Inilunsad ang medical mission sa Barangay Igpit Gymnasium, Digos City, Davao del Sur nito lamang Marso 31, 2025.
Nakatanggap ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ang mga residente na pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Digos tulad ng libreng check-up, dental services, gamit, pet vaccination, vegetable seed distribution, RSBSA registration at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, higit pang nailalapit ng lokal na pamahalaan ang mga pampulikong serbisyo at ipinapakita nito na binibigyang halaga ang kalusugan ng bawat mamamayan.

