Tunay na naging espesyal ang araw ng Oktubre 7, 2023 para sa 54 pares na ikinasal sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish sa General Santos City.

Magandang dekorasyon at simpleng salo-salo ang inihanda upang maging maganda at memorable ang naturang petsa sa mga ikinasal.

Ang libreng mass wedding ay pinangunahan ni City Mayor Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao na naglalayong mabigyan ng pagkakataong makapagpakasal ang mga walang kakayahang pinansyal upang maging lehitimo ang kanilang pagsasama at ang kanilang anak
.
Labis naman ang pasasalamat ng 54 bagong kasal sa Local Government Unit ng General Santos City sa suporta sa kanilang pangarap na maikasal.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *