Pumasa ang 4 na graduates ng Bukidnon State’s University sa katatapos lamang na October 2023 CPA Board Examination.
Nakapasa mula sa BSU sina Renzo Von Jumawid, Jay Maquiling, Lorraine Otaza, at Alhyne Clarine Yamut.
Ang October 2023 Board Licensure Examination for Certified Public Accountants ay ibinigay ng Professional Regulation Commission o PRC nitong September 30, October 1-2, 2023, sa iba’t ibang testing centers sa bansa, makalipas ang 4 working days ay inilabas na ang resulta.
Batay sa inilabas na resulta ng PRC nasa 2,740 ang pumasa mula sa 8,734 examinees.
Nasa 31.37% passing rate ang naturang eksaminasyon na mas mataas sa nakaraang examination noong May 2023.
Ang mga pumasa bilang Certified Public Accountants na nagtapos sa BSU, ay dahil narin sa pinagsanib pwersa ng matatalino at masisipag na mga estudyante at mga propesor.