Isinagawa ang Kick-Off Ceremony ng National Women’s Month Celebration 2025 na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang bukas sa Bagong Pilipinas” sa bayan ng Pikit, Cotabato nito lamang Marso 1, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ng mga babaeng personahe ng Pikit Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Tristan Vergel J Sablada, Officer-In-Charge.
Dumalo din ang Women’s Association at mga kababaihang kabataan.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan.
Nagkaroon din ng munting talakayan tungkol sa R.A 9262 o Violence Against Women and Chilldren.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng halaga ang pagiging babae ng mga kababaihan. Dapat din ituring na patas kagaya ng mga kalalakihan pagdating sa ating lipunan.
Sa selebrasyong ito mas napapataas ang respeto at pagpupugay sa mga kababaihan.
