Matagumpay na isinagawa ang Gift-Giving and Awareness Lecture for Parents sa Lenilitan Day Care Center, Sitio Lenilitan, Brgy. Borongotan, Upi, Maguindanao del Norte nito lamang ika-5 ng Marso 2025.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga kababaihan ng naturang lugar, Upi PNP kasabay ng taunang pagdiriwang ng Women’s Month 2025 na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Upi PNP tungkol sa Magna Carta of Women, RA 11596 (Prohibition of Child Marriage), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), and Drug Awareness.

Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang kapakanan ng mga kababaihan at palakasin ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang batas at programang naglalayong protektahan ang kababaihan at kanilang pamilya.
Patuloy ang Upi PNP na magsagawa ng mga programa upang palakasin ang ugnayan sa komunidad at maprotektahan ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng karahasan at diskriminasyon.
