Nasabat ang tinatayang P157,000.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 1, Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato nito lamang Marso 4, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jul” 63 anyos, walang trabaho at residente ng Barangay Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato.
Nabatid na naharang ang isang sasakyan na may dalang assorted na puslit na yosi.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 (Modernizing the Customs and Tariff Administration Act) at Republic Act 10643 (Philippine Graphic Health Warning Law).
Patuloy ang PNP sa pagsiguro na walang iligal na aktibidad ang nangyayari sa komunidad tungo sa pagkamit ng isang bansang maunlad.