Isang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril sa isinagawang search warrant sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Ginatilan, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Marso 6, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “James”, residente ng naturang barangay.
Nabatid na narekober sa operasyon ng PNP ang isang Cal.38 revolver na walang serial number at limang pirasong live ammunition at nahaharap sa Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.
Patuloy ang PNP sa panawagan sa publiko na isuko ang kanilang mga baril na walang kaukulang dokumento sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang maiwasan na magkaroon ng kaso.