Timbog ang tinaguriang Most Wanted Person Provincial Level sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Carangan, Ozamiz City, Misamis Occidental.
Kinilala ang suspek na si alyas “Gong-gong”, 64 anyos na lalaki, may asawa, at residente ng naturang barangay .
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa mga kasong Acts of Lasciviousness (3 counts) sa ilalim ng Republic Act 7610 na may inirekomendang piyansa na may halagang Php180,000.00.
Patuloy ang PNP sa pagdakip sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.