Idinaos ang Drug Education Symposium sa mga kabataan ng Barangay San Antonio, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang Marso 3, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Titay Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Major Sonny Joe Amponin, Officer-In-Charge.
Isinagawa ang symposium upang mapataas ang kamalayan tungkol sa panganib ng paggamit ng ipinagbabawal na droga at upang bigyang kapangyarihan ang kabataan na makagawa ng matatalinong desisyon para sa kanilang mas magandang kinabukasan.
Layunin nitong magbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa masamang epekto ng droga, ipaalam ang kasalukuyang kalagayan ng droga sa kanilang lugar, at bigyan ang kabataan ng kaalaman at kasangkapan upang labanan ang anumang tukso na may kaugnayan sa droga.