Umarangkada ang abot-kayang bigas na Bagong Bayaning Magsasaka o BBM Rice sa halagang P29 kada kilo at Kadiwa Store sa probinsya ng Zamboanga del Sur nito lamang ika-3 ng Marso 2025.
Aabot sa 700 sako ng murang bigas na tig-10 kilo ang mabibili sa Kadiwa Store ng National Irrigation Administration o NIA sa Bayan ng Molave.
Prayoridad ng nagpapatuloy na programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Farming Support Services Program ng NIA ang mga sektor na nangangailangan gaya ng mga senior citizen, mga may kapansanan, mga solo parent at mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
