Idinaos ang iba’t ibang serbisyo medikal sa libo-libong residente sa isinagawang tatlong araw na Aksyon Panglawas Medical and Dental Mission na nagtapos nito lamang ika-2 ng Marso, 2025 sa Davao Oriental.
Kabilang sa mga inalok rito ay libreng check-up, gamot, tuli, at mga laboratory tests tulad ng Complete Blood Count (CBC), urine test at dental services.

Bilang isang regular na programa sa lalawigan, higit pang pinagtibay at pinalawak ni Gobernador Niño Uy, ang pagpapatuloy ng paghahatid ng serbisyong medikal sa publiko sa pamamagitan ng Provincial Capitol Clinic at Barangay Affairs Support Services Office (BASSO), sa pakikipagtulungan ng mga lokal na barangay sa Lupon, PNP, at AFP.
