Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 18th Bulawan Festival at ng ika-27 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng lalawigan, ang mga tauhan mula sa Davao de Oro Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Captain Analou F Hormigas, R-PSB Focal Person at Chief ng FJGAD, ay aktibong nakilahok sa Bulawanong Tunol Serbisyo Para sa Katawhan noong Marso 1, 2025, sa Barangay Panansalan, Compostela, Davao de Oro.

Ang aktibidad ay layong magbigay ng iba’t ibang serbisyo sa komunidad kabilang na rito ang libreng gupit, legal na konsultasyon, pamamahagi ng mga buhay na hayop at punla, libreng tuli, at medikal na konsultasyon.

Bukod pa rito, namahagi ang mga tauhan ng Davao de Oro PNP ng mga IEC (Information, Education, and Communication) materials tungkol sa OPLAN PASPAS at Republic Act 9262, na kilala rin bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act, sa mga kababaihan ng Barangay Panansalan.

Ang mga pagsusumikap na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng kapulisan sa kapakanan ng komunidad, mga karapatan ng kababaihan, at pampublikong kamalayan, habang ipinagdiriwang ang mayamang kultura at kasaysayan ng lalawigan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *