Handog ng Lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga senior citizen upang makatulong sa kanilang pangangailangan sa araw-araw noong Marso 4,2025.
Pinangunahan ni Mayor John Dalipe, ang distribusyon nito sa Manicahan covered court ng lunsod kung saan nasa 905 ang tutal ng nabigyan ng ayuda mula sa Barangay Manicahan, Tumalutap, Pasilmanta, Landang Gua, Landang Laum, Busay at Manalipa.
Nasa 1,616 naman na mga senior citizen ang nakatanggap ng cash assistance mula sa barangay Sangali, Bunguiao, Dulian, at Upper Bunguiao sa magkahiwalay na payout.
Ang pamamahagi ng quarterly cash assistance ay pinangungunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
