Pinag-isa ng pag-ibig ang 69 na magkasintahan sa isinagawang Kasalan ng Bayan na may temang “Mabulawanong Panaghiusa sa Kaminyoon” nito lamang Marso 5, 2025 sa gymnasium ng Nabunturan National Comprehensive High School, Davao de Oro.

Ang nagsilbing wedding officiant ay si Judge Cresenciana DC. Cruz, habang si Rev. Nicanor Calamba ay nagbigay ng espiritwal na panalangin sa pamamagitan ng salita ng Diyos para sa mga bagong kasal.

Sa suporta ng mga empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng probinsya, naibigay nang libre ang lahat ng pangangailangan para sa kasal at nakatanggap din ng mga regalo ang mga magkasintahan mula kina Gov. Dorothy M. Gonzaga at Cong. Ruwell Peter Gonzaga. W

Ang espesyal na kasalang ito ay hindi lamang isang okasyon ng pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan, kundi isang simbolo ng kahalagahan ng kasal bilang pundasyon ng isang matatag na pamilya.

Ang kasal, bilang isang sakramento, ay hindi lamang isang seremonya ng pag-iisa ng dalawang tao, kundi isang sagradong pangako sa isa’t isa at sa lipunan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *