Sultan Kudarat — Sumuko sa mga awtoridad ang tinaguriang Commanding Officer mula sa SROC, SRC Daguma, Far South Mindanao Region (FSMR) at dalawang pang iba na miyembro ng New ‘s Army (NPA) sa Sitio Sto. Nino, Brgy. Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang Oktubre 10, 2023.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Mayan”, 28, Commanding Officer, residente ng Caloocan, Koronadal City, South Cotabato; alyas “Izzy”, 31, dating company field worker ng NPA, residente ng Brgy Lower Maculan, Lake Sebu, South Cotabato; at alyas “Ricarte”, 55-anyos, at residente naman ng Rizal Poblacion, Banga, South Cotabato.

Dahil sa hirap, gutom, pagod, pagtatago sa bundok at malayo sa piling ng kanilang mahal sa buhay ang nagtulak sa kanila na magbalik-loob sa pamahalaan.

Patuloy naman ang panawagan ng gobyerno sa natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimulang muli kasama ang kanilang sariling pamilya, malayo sa anumang gulo at karahasan dala ng maling ideolohiya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *