Cotabato – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) – Karialan Faction sa Pikit, Cotabato nito lamang ika-10 ng Oktubre 2023.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Oper”, nasa wastong gulang, dating miyembro ng BIFF at residente ng Bgy. Kabasalan, Pikit, SGA BARMM.

Napag-alaman na isinuko ni “Oper” ang kanyang armas na isang yunit ng UZI 9mm na may kasamang magazine at 13 bala.

Napagpasyahan na magbalik-loob sa pamahalaan ng dating BIFF member dahil sa kahirapan na kanyang naranasan bunsod ng gutom, pagod, puyat, palipat-lipat at pagtatago sa bundok mula sa grupo ng kasundaluhan at kapulisan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *