Sumuko ang limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga otoridad sa Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang Marso 11, 2025.
Kinalala ang mga sumuko na sina alias “Kupaw”, “Nurj”, “Nurh”, “Bad” at “Ad”.
Nabatid na isinuko din nito ang isang Garand riffle, isang M14 riffle, isang 9mm Uzi Pistol, at isang M16 riffle.
Nagpa-abot na man kaagad ng agarang tulong na financial assistance, rice seedlings at motorcycle mula sa Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina Datu Hoffer Mayor Bai Bongbong Ampatuan at Maguindanao Del Sur Vice Governor Nathaniel Midtimbang, AFP at PNP.
Masigasig ang pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan na naligaw ng landas upang magbagong buhay sa piling ng kanilang pamilya.
