Matagumpay na naisagawa ang Joint Ramadan Free Iftar Program sa Masjid Timbangan, Bayan ng Indanan, Sulu nito lamang ika-22 ng Marso 2025.
Ito ay pinangunahan ng Silsilah Forum Jolo (SFJ), sa pamumuno nina Propesor Juludy Asion Elam, SFJ Focal/Christian Coordinator, at Kah Dayang Nur-Ain Sahibil, SFJ Muslim Coordinator katuwang ang KKDAT-Sulu at mga tauhan ng Sulu Police Provincial Office.
Humigit-kumulang 60 kapatid na Muslim ang nakabenipisyo sa naturang programa.
Ang Joint Ramadan Free Iftar Program, ay inilunsad upang magbigay ng suporta sa komunidad ng mga Muslim sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan, lalo na sa mga nangangailangan.

Nilalayon ng programa na mapalakas ang diwa ng pagkakaisa, itaguyod ang pagkakaunawaan, at patibayin ang ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng sama-samang pagbabahagi ng Iftar.
