Mahigit P700K na financial assistance mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinagkaloob sa 12 “Rescued Friends” sa lalawigan ng Davao de Oro sa isang turnover ceremony na ginanap sa Osaka, Ground Floor, Capitol Building nito lamang Marso 24, 2025.

Ang programa ay bahagi ng mga hakbang ng gobyerno upang tulungan ang mga dating kasapi ng mga rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at muling magsimula ng makatarungan at produktibong buhay sa komunidad.

Ilan sa mga napiling livelihood projects ng mga “friends rescued” ay ang pag-aalaga ng baboy, sari-sari store, livestock production, at ang produksyon ng mais at saging.

Ang mga proyektong ito ay may layuning bigyan ang mga dating rebelde ng mga pagkakataon upang magsimulang muli at matutunan ang mga kasanayan sa pagpapalago ng negosyo at agrikultura.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *