General Santos City- Binisita ni Atty. George Edwin Garcia, Chairman ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamunuan ng Police Regional Office 12, bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023 nito lamang Oktubre 30, 2023.

Pinaabot naman ni Atty Garcia ang kanyang pasasalamat sa naging mainit na pagsalubong ng mga miyembro ng PRO 12 na pinamumunuan ni Regional Director, Police Brigadier General Jimili Macaraeg.

Sa pagbisita ni COMELEC Chairman Garcia, iprinisinta naman ng PRO 12 ang iba’t ibang uri ng baril na nakumpiska at isinuko sa ating mga awtoridad mula noong ipinatupad ang COMELEC Gun Ban.

Kasunod rito, pinangunahan din ng COMELEC Chairman ang Regional Joint Security Control Center Conference (RJSCC), na dinaluhan ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagbigay naman ng direktiba si Atty Garcia sa mga ahensiya ng gobyerno na sana’y panatilihing maayos din ang kampanya gaya ng pagpapanatili ng kaayusan mula noong Filing of Candidacy.

“Kung magtutulong-tulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), ang Department of Education (DepEd) kasama narin po ang ating mga mamamayan. Naniniwala po ako na mas magkakaroon po tayo ng mas malinis at mas maayos na Halalan. Sa atin pong mga botante, huwag po ninyong iboboto ang mga pasaway, makakapal ang mga pagmumukha at yong mga kandidatong hindi sumusunod sa mga patakaran. Alam niyo po wala pong magandang idudulot yan sainyong mga barangay. Ang dapat na pinipili natin yung nakilala natin simula pa pagkabata tayo, kilala natin ang pagkatao ,kilala natin ang naabot, at kilala natin ang karangalan,” pahayag ni Atty Garcia.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *