Kaugnay sa darating na Barangay Sangguniang Kabataan Election 2023, nagsagawa ng Nationwide Multi Sectoral Peace Assembly ang Police Regional Office 10 sa RHQ Grandstand Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Lunes, Oktubre 16, 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Joselito L Clarito, Acting Deputy Regional Director for Operation ng Police Regional Office 10 at Atty. Renato A Magbutay, Regional Election Director, Commission on Elections 10, na siyang guest and honor and speaker ng naturang aktibidad.
Nagsama-sama para sa isang mapayapa at patas na eleksyon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Armed Forces of the Philippines, Department of Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, at Faith-Based Group.
Nagkaroon din ng paggawad ng medalya para sa Police Regional Office 10 na nagpamalas ng galing at dedikasyon sa trabaho.
Matapos ito ay ginanap ang signing pledge of commitment at pagpapalipad ng mga kalapati bilang simbolo ng pagkakasundo na magtutulungan upang makamit ang isang tapat, ligtas, matiwasay at makabuluhan eleksyon ngayong taon.