Itinanghal na Champion sa Kaamulan Festival 2025 Street Dancing Competition ang City Government of Malaybalay na idinaos ngayong umaga sa kahabaan ng daan ng Malaybalay City, Bukidnon nito lamang umaga ng Sabado, Abril 12, 2025.
Ang makukulay at tradisyonal na sayaw ng ating mga katutubo ay nagpakita ng disiplina at sabay-sabay na pagsayaw na nagpapahiwatig ng makabulohang pagkakaisa sa probinsya ng Bukidnon.
Ito ang resulta sa naturang Kaamulan Festival 2025 Street Dancing Competition :
Champion: Malaybalay City
1st runner up: Valencia City
2nd runner up: Municipality of Libona
3rd runner up: Municipality of Cabanglasan

Congratulations, sa lahat ng lumahok at nagbigay-kulay at saya sa mga manunuod na lokal at turista.
Higit sa lahat, ang pagpapakita ng kultura at tradisyon ng pitong tribo ng probinsya ng Bukidnon na nagkakaisa, nagmamahalan at nagtutulungan tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran.

