Na-itransport na ang mga natitirang Automatic Counting Machines (ACMS) at ballot boxes sa mga nalalabing polling centers sa tulong ng kapulisan at kasundaluhan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang tanghali ng Lunes, Mayo 12, 2025.
Ang seguridad sa pagboto ay tiniyak ng mga otoridad pati na rin ang pag-transport ng mga Automatic Counting Machines (ACMS) at ballot boxes upang maiwasan ang anumang dayaan sa pagboto hanggang sa maihalal ang mga kandidato na ibinoto ng nakararami.
Patuloy na man ang PNP sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa halalan sa buong lalawigan at nanawagan ng kooperasyon ng mamamayan.


