Isa ang kumpirmadong patay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa mag-asawa sa Sitio Talingko, Barangay, Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur nito lamang umaga ng Mayo 16, 2025.
Kinilala ang namatay na si Lakmudin Uga, nasa hustong gulang habang sugatan naman ang asawa nito, pawang residente ng naturang lugar.
Nabatid na kasama ng mag-asawa ang anak nila at maswerteng hindi ito tinamaan.
Samantala, nagsagawa ng malalim na imbestigasyon ang PNP upang malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.