Timbog ang itinuturing na Top 1 Regional Most Wanted Person ng Region 11 matapos sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang ika-16 ng Mayo, 2025 sa Barangay J.P. Laurel, Panabo City, Davao del Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Muchtar,” 40 anyos, residente ng Mabini, Davao de Oro.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP katuwang ang mamamayan ay kapit-bisig upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.