Idinaos ang 1st Bugo Push Bike Competition 2025 sa Tennis Court, Villa Trinitas Subdivision, Bugo, Cagayan de Oro City nito lamang May 17, 2025.

Ayon sa kapitan ng nasabing barangay na si Spencer Cailing, ang nasabing competition ay kabilang sa mga nakalinyang aktibidad kaugnay ng nalalapit na barangay fiesta.

Ito ay dinaluhan ng 20 batang kalahok na may edad 5-6 na mga residente din ng nasabing barangay.

Kasama ang kanilang mga magulang at kapamilya, nagtagisan ng bilis at diskarte ang mga kalahok sa kompetisyon.

Layunin ng aktibidad na mahasa ang mga batang kalahok ang kanilang skills sa pagpapatakbo ng push bike, mapalakas ang kanilang pangangatawan at malinang ang kakayahan sa naturang sports.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *