Isinagawa ng Sangguniang Kabataan Zamboanga City Federation katuwang ng Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology (ZSCMST) ang “Conversa Jovenes: Kabataan para sa Kalikasan” upang itaguyod ang environmental protection para sa sektor ng kabataan sa lungsod noong ika-15 ng Mayo 2025.
Nakilahok sa aktibidad ang mga youth leader mula sa iba’t ibang state colleges at mga unibersidad para talakayin ang environmental-related na mga ordinansa ng lungsod at ang mga isyu kaugnay ng mga hamon na kinakaharap ng naturang sektor sa pagsasagawa ng mga inisyatiba para maprotektahan ang kalikasan.
Kabilang sa mga nakiisa ang mga partisipante mula Western Mindanao State University, Ateneo de Zamboanga University, Zamboanga Peninsula Polytechnic State University, at ZSCMST.
Ang inilunsad na aktibidad ng Sangguniang Kabataan Zamboanga City Federation sa pamumuno ni Youth Commissioner CJ Dalipe ay bilang pakikibahagi sa selebrasyon ng Earth Month ngayong taon.


