Sultan Kudarat — Sugatan ang isang retiradong pulis matapos hatawin ng kanyang kainuman gamit ang matigas na bagay sa Purok 6, Brgy. Biwang, Bagumbayan, Sultan Kudarat, bandang 9:00 ng gabi nito lamang Nobyembre 12, 2023.

Kinilala ang biktima na si Bernabe Castromayor Tanalion, 62 anyos, retired PNP personnel at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Bagumbayan Municipal Police Station, habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek na kinalalang si Joel Delariman Ruth, 55-anyos, residente rin nasabing lugar nang bigla na lamang inatake ng suspek ang biktima gamit ang matigas na bagay (Batchecarno).

Nagtamo ng pinsala ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima at agad tumakas ang suspek.

Ngunit, kaagad rin nahuli ang suspek ng mga tauhan ng Bagumbayan PNP sa kanilang isinagawang hot pursuit operation.

Sa ngayon, inihahanda na ang reklamong isasampa laban sa suspek habang nagpapagaling naman ang sugatang biktima sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *