Isang groundbreaking ceremony ang isinagawa para sa sub-project na “Construction of Solar Dryer Storage” sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) program nito lamang ika-25 ng Mayo 2025.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng higit Php577,000 at bahagi ito ng patuloy na inisyatiba ng DSWD na makapagbigay ng oportunidad sa mga komunidad upang kilalanin ang kanilang mga pangangailangan sa ngalan ng pag-unlad.

Ang konstruksyon ng naturang proyekto ay inaasahang makakapagbigay sa mga magsasaka ng ayuda sa post-harvest losses at maipanatili ang kalidad ng kanilang agricultural produce.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *