Narekober ang nasa P13.6 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang indibidwal sa Barangay Malagutay, Zamboanga City nito lamang Mayo 29, 2025.
Kinilala ang suspek na isang drayber at isang pahinante.
Naharang ng pulisya ang isang truck na may lamang karton ng iba’t ibang brand ng puslit na yosi na nakatago sa ilalim ng mga sako.
Ang kabuuang halaga ng nasabat na puslit na yosi ay may tinatayang halaga na P13,600,000.
Kaso sa ilalim ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, at RA 10643 o Graphic Health Warnings Law ang kakaharapin ng dalawang suspek.
Patuloy ang PNP sa panawagan sa mamamayan ng kooperasyon at i-report kaagad sa kanilang himpilan ang anumang iligal na aktibidad tungo sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran ng ating pamayanan.