Isinagawa ang “Bajao Learning Camp: Bridging Gaps in Education and Empowerment” sa Barangay Mother Bagua, Cotabato City noong ika-27 ng Mayo 2025.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong palakasin ang kaalaman, kamalayan, at kakayahan ng mga kabataang Bajao sa larangan ng edukasyon at pang-araw-araw na pamumuhay.

Katuwang sa isinagawang aktibidad ang mga tauhan ng Cotabato City Police Office na patuloy na nakikiisa sa mga programang pang-edukasyon at pangkomunidad bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng lungsod.

Bukod sa pagbibigay ng kaalaman, layunin din ng programa na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng mga kapulisan at ng pamayanang Bajao sa pamamagitan ng edukasyon, pag-uugnay sa serbisyo, at pagpapalalim ng tiwala sa isa’t isa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *