Ipinamahagi ang libu-libong sakong bigas sa mga pamilyang lubos nangangailangan sa iba’t ibang barangay sa Maimbung, Sulu nito lamang ika-28 ng Mayo, 2025.
Nakiisa sa naturang aktibidad ang LGU Maimbung, sa pangunguna ni Hon. Sheila Tan Hayudini, Local Chief Executive at mga personahe ng Regional Mobile Force Battalion 14-B sa pamumuno ni Police Colonel Evelio B Decay, Force Commander.
Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang matibay na ugnayan ng PNP at LGU sa iisang layunin na maglingkod ng may malasakit at pagkakaisa para sa kapakanan ng mamamayan.

