Isinagawa ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 ang overlapping checkpoint operation sa iba’t ibang bahagi ng Northern Mindanao nito lamang Mayo 28, 2025.
Suot ang high-visibility rain gear, nanatili sa kanilang mga pwesto ang kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero.
Ang naturang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa krimen, at pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa rehiyon.
Patunay ito na sa kahit anong panahon—ulan man o umaraw—handa ang Northern Mindanao na maglingkod at magprotekta sa sambayanan.
