Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Sitio Marobox, Brgy. Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao del Sur nito lamang ika-29 ng Mayo 2025.
Kinilala ang biktima na si Tammy Makungay Tando, 41 anyos, isang tricycle driver, residente ng Marobox, Brgy. Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP na sakay ng Kawasaki Bajaj motorcycle ang biktima nang bigla pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na suspek at agad tumakas matapos isagawa ang pamamaril.
Apat na basyo ng bala ng caliber 5.56 ang natagpuan ng PNP sa pinangyarihan ng krimen at patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang insidente upang mahuli ang salarin.