Sumuko ang siyam na miyembro ng Local Terrosist Group at nagbalik-loob sa pamahalaan sa Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang Mayo 28, 2025.

Tumanggap ang mga sumuko ng cash assistance, tig-isang sako at livelihood program galing sa Lokal na pamahaalan ng Maguindanao del Sur at DOLE Region XII.

Nabatid na isinuko rin ang mga kagamitang pandigma, tulad ng M14 rifle, dalawang M4 rifles, isang M16 rifle, dalawang cal. .50 Barrett, isang M203 grenade launcher, isang M1 Garand rifle, at isang M1 Carbine rifle.

Sasailalim din sa livelihood program sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Project ng DOLE XII ang mga sumuko.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng armadong grupo na magbalik-loob upang makapagsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *