Pormal nang inilunsad ang mga ecotourism activities sa Mt. Kalo-Kalo at Mt. Pigngalngalan.

Ito ang dalawa sa pinakabagong hiking destinations sa Lungsod ng Valencia at lalawigan ng Bukidnon na nagbibigay ng kapanapanabik na karanasan para sa mga mahilig sa kalikasan at mga mountaineers.

Ito ay inilunsad sa pamamagitan ng isang “Opening Climb,” na nilahukan ng mahigit 100 na mga hikers mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Valencia City Tourism at Cultural Affairs Division, sa suporta ng Mt. Kalatungan Range Natural Park (MKaRNP) Protected Area Management Board, Barangay Lourdes Council, lokal na komunidad ng mga katutubo, mga lokal na tour guide, at outdoor adventure group na Discover Valencia.

Ang pagbubukas ng Mt. Kalo-kalo at Mt. Pigngalngalan, ay isang hakbang sa pagpapaunlad ng ecotourism sa lugar, habang pinangangalagaan ang kalikasan at pinepreserba ang kultura. Umaasa ang Valencia City Tourism at Cultural Affairs Division na sa mga darating na buwan ay patuloy na dadagsa ang mga bisitang magha-hiking sa trail, na magiging mahalagang bahagi ng pangmatagalang pag-unlad ng sustainable tourism sa lungsod at buong lalawigan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *