Bida sa Farm Youth/4-H Club Achievement Day na inorganisa ng Provincial Agriculturist’s Office na may temang: “HARVEST through the 4-H Milestone: Harnessing Agricultural Resilience through Vision, Education, Sustainability, and Technology.” nito lamang Mayo 27, 2025.
Ginanap ito sa Children’s Park Pavilion ng Provincial Capitol Complex kung saan ay nagtipon-tipon ang mga kabataang magsasaka mula sa 11 bayan upang makilahok sa iba’t ibang patimpalak tulad ng Agri Innovation Pitching, 4-H Club Promotional Excellent Achievers Awards, Promotional Video Contest, Ting Ng Kabataan, and awards for the Most Outstanding 4-H Club Member and Coordinator.
Ayon kay Dr. Rolando S. Simene, Acting Provincial Agriculturist, layunin ng nasabing aktibidad na bigyang plataporma ang kabataan upang maipakita ang kanilang kaalaman at kasanayan sa agrikultura. Dagdag pa niya, mahalagang itaguyod ang pamumuno, inobasyon, at pangako sa mga makakalikasang pamamaraan sa sektor ng agrikultura.
Binibigyang-diin rin ng programa ang kahalagahan ng partisipasyon ng kabataan sa larangan ng agrikultura at pangisdaan, na susi sa paglago ng ekonomiya at seguridad sa pagkain ng komunidad.

