Quezon, Bukidnon- Isang miyembro ng New Peopleโ€™s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista, sa Sitio Gomez, Brgy. Kipaypayon at Sitio Palcatahan, Brgy Lumintao, Quezon, Bukidnon nito lamang gabi ng Nobyembre 24, 2023.

Kinilala ang namatay na NPA na si alyas “Amatung”, Team Leader ng Abe, SRSDG Peddler, NCMRC.

Napag-alaman na narekober mula kay Amatung ang isang M16 rifle, iba’t ibang gamit pandigma, at ang kanyang personal na mga gamit.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro ng NPA na magbalik-loob bago mahuli ang lahat. Bigyan ng pagkakataon na magbagong-buhay kasama ang kanilang sariling pamilya, malayo sa gulo dulot ng maling ideolohiya na walang ibang dulot kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran at kapayapaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *