Tinalakay bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at proteksyon ng kabataan sa digital na mundo sa Dapitan City National High School katuwang ang Dapitan City Police Station noong Hunyo 3, 2025.
Aktibong nakilahok ang mga estudyante ng Dapitan City National High School.
Ang nasabing lecture ay isinagawa sa ilalim ng programang YouthRed Training na may temang “Cyber Safety and Security – Cyber Crime and Privacy Protection.”
Tinalakay dito ang mga nilalaman ng Republic Act 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act, gayundin ang Anti-Cybercrime Prevention Act, upang bigyang-kaalaman ang kabataan ukol sa mga banta sa internet gaya ng cyberbullying, online exploitation, at paglabag sa karapatan sa privacy.
Layunin ng aktibidad na bigyang-linaw ang mga batas na tumutugon sa mga cybercrime at hikayatin ang mga kabataan na maging responsable at mapanagot sa kanilang paggamit ng teknolohiya.
Ang ganitong uri ng kampanya ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan at paaralan na maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga panganib ng makabagong teknolohiya.

