Nasakote ng militar at pulisya ang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa ikinasang operasyon sa Block #3, Lot 1, House #3, Habitat Phase 2, Barangay Indahag, Cagayan de Oro City bandang 3:00 ng hapon nito lamang Hunyo 5, 2025.

Kinilala ang suspek sa mga alyas na “Cess, Ruby, Rafa, and Ramon”.

Nabatid na naging Secretary at Spokesperson ng Far South Mindanao Region (FSMR) at Regional Urban Committee Secretary ng Dismantled Guerilla Front (DGF) TALA ang suspek.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa mga kasong Murder (Criminal Case No. 25602) under Article 248 of the Revised Penal Code, filed at RTC Branch 1, Tagum City, Davao del Norte; Multiple Attempted Homicide (CC No. 3310-3023-LS) at RTC Branch 6, Surallah, South Cotabato; Murder (CC No. 24-8189-SNA) under Article 248 of the RPC at RTC Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat; at Violation of the Anti-Terrorism Act of 2020 (CC No. 24-29291) at RTC Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat.

Napag-alaman din na narekober sa naturang operasyon ang isang Colt .45 caliber pistol, fragmentation grenade, at isang smartphone.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya. Malayo sa anumang karahasan at kahirapan dulot ng maling ideolohiya ng makakaliwang grupo na walang ibang hangad kundi ang tutulan ang kapayapaan at kaunlaran sa ating inang bayan.

Photos by: PNP-CIDG Cagayan de Oro City Field Unit

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *