Nasakote ang isang public school teacher na may kasong Acts of Lasciviousness sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. 22-A Gingoog City, Misamis Oriental nito lamang Hunyo 16, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Boyax”, 58 anyos, residente ng P-5 Brgy. 24, Gingoog City, Misamis Oriental.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 (B) ng R.A. 7610.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng kabataan at kapayapaan sa komunidad tungo sa pagkamit ng isang maunlad na komunidad.