Nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga dating rebelde na ginanap sa 403rd Brigade, Camp Osito Bahian, Impalambong, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Hunyo 18, 2025.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina Police Major Jessie James M Lasdoce, Hepe ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), at Police Major Romar Jones Cahucom, Hepe ng Provincial Logistics Unit, kasama ang dalawang force commanders ng Bukidnon Provincial Mobile Force Companies.
Dumalo rin sina Ms. Rhona P. Abadilla, DILG Provincial Director; BGEN Seigfred C. Tubalado, Commander ng 403rd Infantry Brigade; at Atty. Gean Yvish R. Ladesma, Provincial Legal Officer.
Sa naturang pagtitipon, isang dating rebelde ang kusang loob isinauli ang apat na uri ng mga armas bilang tanda ng kanyang pagtalikod sa armadong pakikibaka.
Ang kanilang pagbabalik-loob ay naglalaman ng pag-asa at pagkakataon para sa isang mas magandang kinabukasan tungo sa tunay na kapayapaan.

