Nasakote ang isang laborer sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Purok-2, Brgy. Tankulan Manolo Fortich, Bukidnon nito lamang Hunyo 19, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ondoy” 39 anyos, laborer at residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case No. 50705 na walang rekomendadong piyansa.

Patuloy ang PNP sa pagdakip sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *