Isinagawa ang Turnover of Office Ceremony para sa bagong hirang na Regional Director at outgoing Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ngayong araw ng Linggo, Hunyo 21, 2025 sa Camp Ben Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang incoming Regional Director ng PRO BAR na si Police Brigadier General Jaysen C De Guzman. Ito ay nagsilbi bilang PRO 10 Regional Director.
Samantala, ang outgoing Regional Director na si Police Brigadier General Romeo Macapaz, ay itinalaga bilang Director ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Naging Presiding Officer sa naturang seremonya si Police Lieutenant General Edgar Alan O Okubo, Chief of the Directorial Staff.

Nagpakita naman ng buong suporta ang mga Local Government Officials mula sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at Lanao del Sur, tungo sa iisang adhikain ang pagkamit ng isang tahimik, maayos at maunlad na rehiyon ng Bangsamoro.



