Narekober ang tinatayang P20 milyong halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga otoridad nito lamang madaling araw ng Sabado, Hunyo 21, 2025 sa Purok 1, Brgy. Punta Silum, Manticao, Misamis Oriental.
Kinilala ang mga suspek na sina alias Tango”, 42, mula sa Maloso, Basilan; “Blitz”, 18; “Razor”, 23; at “Echo”, 19 — pawang mga residente ng Punta Silum, Manticao; “Falcon”, 23, mula sa Arena, Zamboanga City; “Bravo”, 56, at “Ridge”, 23, mula sa Baliwasan, Zamboanga City; at “Hawk”, 34, mula sa Barangay Luinab, Iligan City.
Napag-alaman na nakatanggap ng tip ang Manticao PNP mula sa isang concerned citizen na may nagbaba ng mga puslit na yosi mula sa isang bangka na tinatawag na “kompit”.
Na-aktuhan ang mga suspek na nagbababa ng karton ng puslit na yosi at tumambad sa pulisya ang maraming kontrabando na nasa loob ng isang truck Van na naka park sa Di kalayuan.
Narekober sa naturang operasyon ang 500 cases ng Red Delta brand cigarettes, fishing vessel at delivery truck at nahaharap sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines at RA 10643 o ang The Graphic Health Warnings Law ang mga nahuling indibidwal.
Ang PNP ay solido na hulihin ang sinumang lumalabag sa batas at sangkot sa anumang iligal na aktibidad na nakaka-apekto sa isang maayos at maunlad na komunidad.
