Ang dried pijanga o kilala rin sa tawag na “white goby” isa sa mga paboritong produktong pagkain sa rehiyon ng Caraga.

Ito ay isang uri ng native freshwater fish na kilala sa malinamnam na lasa at masarap kahit iprito lang.

Ang paggawa ng dried pijanga ay isang mahalagang kabuhayan para sa maraming mangingisda,matapos hulihin ang mga sariwang pijanga, nililinis at binabalanse ang alat bago patuyuin sa ilalim ng araw.

Ang wastong pagproseso at tamang pagpapatuyo nito ay nagbibigay ng mas malutong na texture at nagpapahaba ng shelf life.

Sa prosesong ito, kahit bumili sa bayan o siyudad na malayo sa lawa, naihahatid pa rin ang lasa ng sariwang huli mula sa Caraga.

Sa ngayon, patuloy na isinusulong ang dried pijanga bilang isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng rehiyon. Bukod sa pagiging masarap at abot-kaya, pinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Caraganon sa pag-aalaga at pagpapayaman ng likas na yaman ng kanilang tubig-tabang.

Sa bawat kagat ng dried pijanga, dama ang maalat na lasa na siguradong babalik-balikan ng mga bisita at nagpapakita ng mayamang kultura at pamumuhay ng mga taga-CARAGA.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *