Wagi ang isang Caraga Cop sa World Police and Fire Games 2025 matapos magwagi ng apat na medalya sa Taekwondo competition na kasalukuyang ginaganap sa Birmingham, Alabama, USA mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 6, 2025.

Si Police Master Sergeant (PMSg) Edgar G. Pantohan, na nakatalaga sa Regional Learning and Doctrine Development Division 13, ay nagwagi ng isang gintong medalya, dalawang pilak, at isang tansong medalya sa mga kategoryang Poomsae at Kyurogi.

Noong Hunyo 30, nanalo si PMSg Pantohan ng gintong medalya sa Team Poomsae sa ilalim ng Under 30 category.

Sa parehong araw, nakamit din ang dalawang pilak na medalya sa Mixed Pair Poomsae at Individual Poomsae (parehong nasa ilalim ng Under 40 category).

Noong Hulyo 1, muli itong nagwagi matapos masungkit ang tansong medalya sa Kyurogi event (Under 40, 80kg pataas na kategorya).

Ang 2025 World Police and Fire Games ay isang Olympic-style na pandaigdigang paligsahan na nilalahukan ng libu-libong mga first responders at alagad ng batas mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang buong PRO13 ay nagbubunyi sa tagumpay na dala ni PMSg Pantohan. Yan ang pulis Caraga, may disiplina, determinado at talentado.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *