Inilunsad ng mga kasapi ng 3rd Platoon Patrol Base ng 1201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 ang isang Tree Planting at Camp Gardening Activity sa Apopong, General Santos City noong ika-3 ng Hulyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa pagsasabuhay ng isa sa mga core values ng PNP — ang pagiging Makakalikasan — at bahagi ng kampanyang “Kaligkasan” (Kaligtasan at Kalikasan).
Layunin nito na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad upang isulong ang adbokasiya para sa kaligtasan at pangangalaga ng kalikasan.
Sa pamamagitan ng simpleng pagtatanim ng mga halaman at puno, pinatunayan ng RMFB 12 na may mahalagang papel hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati na rin sa pagbibigay-proteksyon sa ating kapaligiran laban sa mga banta ng sakuna at climate change.
Ang aktibidad ay patunay ng masidhing hangarin ng PNP na maging ehemplo sa pangangalaga sa likas na yaman at sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at luntiang komunidad para sa susunod na henerasyon.

