El Salvador City- Nasa P1.4 milyong puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang random Checkpoint na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang indibidwal sa Amoros, El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang Disyembre 18, 2023.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas โAlbertโ, 26 anyos at alyas โRochelleโ, 28 anyos, pawang mga residente ng Alegria, Pagadian City.
Naharang ng El Salvador PNP ang isang Isuzu Close Van na may Plate No. MAZ 2883 at tumambad ang 100 kahon ng mga assorted cigarettes na may 5,000 reams ng Cannon at Delta na tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,400,000.
Hinuli ang dalawang suspek dahil sa walang maipakitang kaukulang dokumento sa dala-dalang assorted na sigarilyo.
Samantala, patuloy naman ang El Salvador PNP sa pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng pagpuslit ng mga naturang yosi.