Huli ang apat na lalaki sa ilegal na sabong ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Station 3 sa Zone 1, San Lazaro, Barangay, Lapasan, Cagayan de Oro City nitong tanghali ng ika-17 ng Disyembre 2023.
Kinilala ng awtoridad ang mga naarestong suspek na si alyas โFranciscoโ, 41, residente ng Lapasan, Cagayan de Oro City at tatlo pang kasama nito.
Narekober ang dalawang patay na manok maging mga perang pusta na aabot sa Php800.00.
Nahahararap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.
Patuloy naman pinapaalalahanan ng PNP ang mamamayan na iwasan ang anumang uri ng ilegal na gawain katulad ng pagsusugal upang hindi humantong sa pagkakakulong.